NTF: 4th dose ng Covid-19 vax para sa vulnerable sectors inaprubahan na

0
358

Inihahanda na ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 at ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang logistics para sa paglulunsad ng pang-apat na COVID-19 vaccine dose o ang pangalawang booster.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng pangalawang booster dose para sa mga mahihinang populasyon na kinabibilangan ng mga senior citizen, mga may comorbidities, at medical front-liners.

Sa isang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Lunes ng gabi, sinabi ni NTF chief Secretary Carlito Galvez Jr. na naghihintay na lamang sila ng “positive recommendation” mula sa Health Technology Assessment Council sa pangangasiwa ng pangalawang booster.

“[N]aaprubahan na po ng FDA ang pag-administer po ng fourth dose or ‘yung second booster,” ayon sa report ni Galvez.

Sinabi niya na ang Department of Health at NVOC ay gumagawa ng mga alituntunin at protocol para sa rollout.

Nauna dito,  binigyang-diin ni NVOC chairperson Dr. Myrna Cabotaje na ang mahihinang populasyon ay dapat gumamit ng booster shots habang ang immunity ay humihina sa paglipas ng panahon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.