NTF Chief: May sapat na mga supply ng vax ang susunod na admin

0
279

Hindi na kailangan ng susunod na administrasyon na bumili ng karagdagang mga bakuna para sa Covid-19 inoculation program ngayong taon, ayon kay vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., kahapon at binanggit na ang bansa ay may sapat na supply.

“So matutuwa po ang next administration, Mr. President, dahil more or less 98 to 100 [million] vaccine doses pa po ang matitira at hindi na po sila kailangang bumili ,” ayon kay Galvez sa pre recorded na Talk to the People.

Sinabi ni Galvez, na ang pasilidad ng COVAX na pinamunuan ng World Health Organization (WHO) at ng COVAX ay nag-renew ng pangako nitong magbigay ng mas maraming bakuna sa Pilipinas na mahigit na 74 milyong dosis na donasyon noong nakaraang taon.

Nangako rin ang COVAX na papalitan ang mga expired na bakuna ng bansa, dagdag niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.