NTF ELCAC sa NUJP: Ang pamamahayag ay dapat nasa serbisyo ng katotohanan

0
404

Ang misyon ng pamamahayag ay ang laging maghanap ng katotohanan at iulat ito, ng walang anumang pagkiling, ayon sa paalala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

“Journalism must always remain in the service of the truth, it should not be subservient to the vested interests of any person or group. Otherwise, it is not journalism in the truest sense of the word. It is already engaging in the realm of propaganda,” ayon kay NTF-ELCAC spokesperson for Legal Affairs Flosemer Chris Gonzales sa kanyang statement noong Miyerkules.

Sinabi ng NTF ELCAC na muling inaakusahan ng NUJP ang gobyerno ng harassment, paghihigpit sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapatahimik sa pamamahayag.

Noong Miyerkules, sinabi ng NUJP na naninindigan ito laban sa lahat ng pagtatangka na patahimikin umano ang mga mamamahayag.

Sinabi rin ng NUJP na dumating ang shutdown order kasunod ng utos ng National Telecommunications Commissions sa mga internet service provider na harangan ang mga news organization na Bulatlat at Pinoy Weekly, at i-regulate ang blocktime broadcasting arrangements.

Sinabi ni Gonzales na ang pahayag ng NUJP ay isang di-pagkakasundo na tugon sa mga isyung ibinangon nito.

Aniya, may valid legal grounds ang SEC para isara ang Rappler.

Sa isang utos na may petsang Hunyo 28, pinagtibay ng SEC ang naunang desisyon nito na bawiin ang certificates of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holding Corporation dahil sa “paglabag sa constitutional at statutory restrictions sa dayuhang pagmamay-ari sa mass media.”

“In this country of laws, no one is above the law. No one. Definitely not Rappler,” ayon kay Gonzales.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.