Number 9 Most Wanted sa Calabarzon, arestado matapos ang 16 taon ng pagtatago

0
202

Calamba City, Laguna. Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki na matagal nang nasa listahan ng Most Wanted sa Calabarzon matapos ang 16 taon ng pagtatago, ayon sa operations group ng CIDG-Calabarzon kahapon.

Kinilala ni Police Col. Jack Malinao, direktor ng CIDG-Calabarzon ang naarestong suspek na si Sherwin Andaya, 42 anyos na residente ng Malvar, Batangas. Siya ay nadakip sa kanyang pinagtataguang lugar sa Barangay San Carlos, Lipa City, Batangas.

Ayon kay Col. Malinao, si Endaya ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Ruben Laydia Sr. noong Abril 22, 2007 sa G. Leviste road, Poblacion, Malvar, Batangas.

Nagtago ang suspek ng 16 na taon at nagpalipat-lipat ng tirahan sa loob sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Ang pag-aresto kay Endaya ay resulta ng halos dalawang buwang surveillance ng tracker team ng CIDG, kasama ang iba pang yunit ng pulisya.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Herminigildo Lacap, presiding judge ng RTC branch #38 ng Tanauan City, Batangas, nadakip si Endaya at walang inirekomendang piyansa.

Base sa pahayag ni Police MaJor Helen de la Cruz, opisyal ng impormasyon sa publiko ng CIDG, 4A, ang suspek ay itinuturing na most wanted sa rehiyon at may reward na P135,000 para sa sino mang makatutulong sa paghulisa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.