Nursing at medical students, tutulong na sa National COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Program

0
281

Pwede ng maging vaccinators ang mga post-graduate/undergraduate interns, clinical clerks at fourth year medicine at nursing students upang makatulong sa National COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Program, ayon kay Commission on Higher Education CHED Chairman Popoy De Vera.

Ito ay matapos ibaba ng CHED at ng Department of Health (DOH) ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021-003 na may pamagat na, “Interim Guidelines on the Voluntary Participation of Postgraduate/Undergraduate Interns, Clinical Clerks, and Fourth Year Nursing Students in the COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Program.”

 “The government is now fast tracking the vaccination roll-out as more COVID-19 vaccines arrive in the country. Yesterday and for the 2nd time, the country breached the 1 million daily target for vaccination. As we increase the number of vaccination sites and increase daily targets, these additional vaccinators and support staff are critical to achieve herd immunity in the next two months. While more than 1 million college students have already been vaccinated, this is only about 30% of the target number. We need to rapidly vaccinate more students,” ang paliwanag ni De Vera.

Ang mga post-graduate/undergraduate interns, clinical clerks and fourth year nursing students na mga boluntaryo ay sasanayin at pangangasiwaan ng mga health professionals. Ang kanilang mga volunteer work at completed number of hours ay ikakarga sa kanilang internship at bibigyan sila ng sertipikasyon ng hepe ng vaccination team sa vaccination site na kanilang pagsisilbihan.

Ang volunteer participation ng mga estudyante sa mga vaccination site ay ipaiiral kahit ano ang risk classification sa lugar na itinakda ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Samantala, lahat ng tanggapan ng CHED sa mga rehiyon ay nabigyan na ng pagtuturo na makipag ugnayan sa Higher Education na may medicine at nursing program upang makapag labas ng imbentaryo ng student-volunteer itatalaga sa mga vaccination sites sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon at mga detalye, bumisita sa link na ito. 

https://bit.ly/CHED-DOH- JMC3s2021

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.