NVOC: Kumuha ng mga booster shot habang ang mga border ng PH ay nagbubukas sa turismo

0
342

Ipinapayo ng National Vaccination Operations Center (NVOC) sa mga fully vaccinated individuals na kumuha ng mga booster shot o karagdagang dosis laban sa Covid-19 habang naghahanda ang Pilipinas na buksan ang mga borders nito sa maraming turista.

“While we will be opening up our borders, we will have enough room for us to monitor our borders, entry points and have a better analysis of our data,” ayon kay NVOC co-lead, Dr. Krezia Lorraine Rosario, sa virtual na Laging Handa public briefing kahapon.

Sinabi niya na ang pagbubukas ng mga border ng bansa ay mahalaga upang makabawi ang ekonomiya ng Pilipinas.

“I think that’s where we are right now and one thing we should consider is our efforts in the vaccination. That’s why we have emphasized that especially right now, while we are opening up our economy, we hope to expand,” dagdag niya.

Sinabi ni Rosario na ang lahat ng planong ito ay dapat samahan ng pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa lahat ng mga Pilipino laban sa Covid-19 tulad ng paghikayat sa mas fully vaccinated na mga indibidwal na mag-avail ng mga booster shot.

Ipinaliwanag niya na ang proteksyon mula sa pangunahing serye ng mga bakuna sa Covid-19 ay humihina sa paglipas ng panahon, at kailangang mapanatili ang proteksyon ng populasyon laban sa kinatatakutang virus sa pamamagitan ng mga booster shot.

“That’s why we are really encouraging our economic workforce to get boosters. That’s one way to protect ourselves even though we are opening up our economy and also opening up our borders,” ang pagtatapos ni Rosario.

Noong Pebrero, unang tinanggap ng gobyerno ang mga turista mula sa United States, Thailand, Malaysia, Canada, Japan, United Arab Emirates, Indonesia, at Australia pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasara dahil sa mga paghihigpit sa pandemya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.