NWPC: 10 wage hike petition inihain na

0
248

Inihain ang 10 petisyon para sa pagtaas ng sahod sa anim na regional wage boards, ayon sa National Wage and Productivity Commission (NWPC) kahapon.

Sinabi ni NWPC executive director Criselda Sy na karamihan sa mga wage petition ay inihain noong nakaraang linggo.

Ang mga rehiyong humihingi ng salary adjustments ay ang National Capital Region (NCR), Regions 3 (Central Luzon), 4-A (Calabarzon), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), at 8 (Eastern Visayas).

“The petitioners are asking for a PHP750 minimum wage per day. There is also a petition for example in NCR asking for PHP400…I forgot the figure but it’s more than PHP400 increase in the minimum wage,” ayon sa kanya sa isang statement.

Sinabi ni Sy na iniutos ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang wage boards na suriin ang minimum wage sa kani-kanilang mga lugar. Inaasahan ni Bello na ang resulta ng pagsusuri ay lalabas sa susunod na buwan.

Nang tanungin kung pagbibigyan ang isang petisyon, sinabi niya na kinilala ng mga wage board ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa sa lalong madaling panahon.

“But if you ask me if they are receptive or not, that still depends on what they will talk about,” ayon kay Sy.

Mayroong 3.6 milyong minimum wage earners sa bansa, na tumatanggap ng PHP537 bawat araw.

Noong nakaraang linggo, naghain ng wage petition ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na humihiling ng PHP470 na dagdag sa pang-araw-araw na minimum wage sa NCR.

Una rito, isinaaktibo na ni Bello ang lahat ng wage boards sa bansa para masuri kung kailangan pang taasan ang suweldo ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ang NWPC ay isang attached agency ng DOLE.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.