Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

0
320

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro kanina bandang 3:22 ng hapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang tectonic na lindol ay tumama sa layong 16 kilometro hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Abra de Ilog na may lalim na 106 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Intensity II sa Quezon City.

Ang mga sumusunod na instrumental intensity ay naitala:

  • Intensity III – Calapan City, at Puerto Galera, Oriental Mindoro
  • Intensity II – Batangas City; San Jose, Occidental Mindoro; Tagaytay City; Magalang, Pampanga
  • Intensity I – Muntinlupa City; Carmona, Cavite

Ang naiulat na intensity ay ang tradisyunal na paraan ng pag-alam ng intensity batay sa mga ulat ng mga taong nakaramdam ng lindol. Sa kabilang banda, ang instrumental intensity ay sinusukat gamit ang isang intensity meter na sumusukat sa ground acceleration.

Inaasahan ang mga aftershocks, samantalang hindi inaasahan ang mga pinsala sanhi magnitude 5.3 na lindol.

(Image grabbed from Phivolcs website)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.