OCD: Drop, cover, hold drills hindi sapat laban sa lindol

0
205

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na hindi sapat ang pagsasanay sa “drop, cover, hold” ng publiko bilang paghahanda laban sa lindol.

Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, mas mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng matibay na pundasyon ng mga gusali at pasilidad at ang pagsunod sa building code upang maiwasan ang pinsala mula sa lindol, lalo na ang kinatatakutang “Big One.”

“I will say it again, engineering solutions and com­pliance with the building code are the best preparedness measures for earthquakes,” ayon kay Nepomuceno.

Dahil dito, hinikayat ni Nepomuceno ang mga residente, lalo na sa Maynila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela, at Pateros na maging mas maingat sa kanilang inspeksyon at pagmamanman sa mga gusali at imprastruktura.

Hindi rin pinapayagan ang pagtatayo ng mga istraktura sa mga no-build zone at landslide-prone areas.

Ipinaalala ni Nepomuceno na maraming gusali at bahay sa Metro Manila ang posibleng magtamo ng pinsala sa “Big One.”

Batay sa kanilang pagtaya sa biktima, maaaring umabot sa 30,000 hanggang 48,000 ang maaaring mamatay sa isang Lindol na may Lakas ng 7.2 sa West Valley Fault.

Idinagdag pa ni Nepomuceno na ang kanilang mga rekomendasyon ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi pati na rin sa iba pang lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang West Valley Fault ay nagmumula sa Dingalan, Aurora sa hilaga at dumadaan sa mga lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Makati, Parañaque, Taguig, at mga probinsya ng Laguna at Cavite.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo