Office of Transport Security chief Nag-resign matapos ang hinalang’lunok-pera’ ng tauhan

0
289

Matapos ang pangako ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin ang pondo, nagsumite ng courtesy resignation si Office of Transport Security (OTS) Administrator Ma.O Rañada Aplasca.

Sa sulat ng courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinaliwanag ni Aplasca na hindi niya kayang isakripisyo ang integridad ng kanyang ahensya, ngunit ito ay itinuturing niyang “noble undertaking for a great interest.”

Ipinagdiinan pa niya na wala siyang ginawang masama at naging tapat siya sa kampanya laban sa katiwalian sa lahat ng mga paliparan sa buong bansa.

“But I can assure His excellency that the good men and women of OTS will not falter in its commitment to cleanse its ranks to finally deliver your promise of a convinient, affordable , safe and secured transportation system”ayon pa sa liham ng pagbibitiw ni Aplasca.

Nagpasalamat din siya kay Transportation Secretary Jaime Bautista sa tiwala na ibinigay sa kanya para maglingkod sa mga Pilipino.

Nauna diti, nagkaroon ng kontrobersiya ang isang video kung saan makikita ang isang tauhan ng OTS na diumano ay kumuha ng $300 mula sa isang pasahero, at inakalang ito ay tsokolate lamang. Dahil sa insidente, nanawagan na rin si Romualdez na magbitiw sa pwesto si Aplasca.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.