Bibigyan ng cash aid na Php 10,000 ang mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Hong Kong (HK) na nagpositibo sa Covid-19, ayon sa Malacañang kanina.
Ang pahayag ay ipinalabas ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at tiniyak na ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), ay magbibigay ng tulong sa Covid-infected OFWs sa Hong Kong.
Iniulat niya na ang POLO ay agad na nagbigay sa mga OFW doon ng pagkain, hygiene kits, at power banks upang magkaroon sila ng kapasidad na makipag usap habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at HK Labor Department.
Nakipag-ugnayan ang POLO sa isang non-government organization para magbigay ng isolation facility upang ma-accommodate ang ilan sa ating mga OFW, ayon sa kanya.
Nakipag-ugnayan din ang POLO sa HK Labor Department, na nagtayo ng isolation facility para sa OFW na may sakit, habang nakabinbin ang pagpasok nila sa quarantine facility, bukod sa pagbibigay ng transportasyon.
Nauna dito, nagbigay din ang POLO ng US$200 para sa after-care financial assistance sa mga gumaling mula sa Covid-19, dagdag niya.
Nitong Pebrero 19, lima sa 28 OFW sa Hong Kong na nagkasakit ng Covid-19 ang gumaling na. Sa lima, tatlo ang nakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho.
Pinabulaanan din ng Department of Labor and Employment ang mga ulat na ilang Filipino domestic helpers sa Hong Kong ang tinanggal ng kanilang mga amo matapos magpositibo sa Covid-19.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na lahat ng mga OFW na nagkasakit ng Covid-19 ay binabantayan ng POLO at ng Philippine Consulate General (PCG).
Sinabi naman ng PCG sa Hong Kong na ilalagay nila sa “blacklist” ang mga employer na nagpapaalis ng mga manggagawang Pilipino dahil sa pagkakasakit ng Covid-19.
Ang Hongkong ay kasalukuyang nakikipagbuno sa isang malalang pagtaas ng kaso ng Covid-19 na bunsod ng Omicron variant. Ang mga healthcare facilities dito ay umaabot na sa higit sa 90 capacity noong nakaraang linggo.
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.