Victoria, Laguna. Nagbigti ang isang OFW matapos malamang may kalaguyo ang kanyang asawa sa Sitio Lobo, Barangay San Roque, bayang ito.
Kinilala ng mga imbestigador ng Victoria Police Station ang biktima na si Lenylyn Herradura Obiniana, 36 anyos, may tatlong maliliit na anak, anim na taon ng OFW at regular na nagpapadala ng pera sa pamilya.
Ayon sa panayam ng Tutubi News Magazine sa pamilya ng OFW, diumano ay matagal ng alam nito ang katotohanang may kalaguyo ang kanyang mister ngunit ipinagsasa walang bahala nito upang huwag maapektuhan ang kanyang trabaho.
Kahapon ay inaya nito ang asawa na mananghalian sa bahay ng mga magulang ngunit diumano ay nakita doon ng OFW ang kalaguyo ng kanyang asawa. Nagkaroon ng matinding pag aaway ang dalawa hanggang sa umalis at umuwi si Lenylyn sa kanilang bahay at nagkulong sa kwarto. Bandang 6:00 ng hapon ay inutusan niya ang kanyang mga anak na bumili ng meryenda ngunit pagbalik ng mga bata ay nakita nilang nakabitin na ang ina at wala ng buhay, ayon sa report.
Si Lenylyn ay nakatakdang sanang bumalik sa kanyang trabaho sa Dubai sa Enero 11, 2022.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.