OFW nasugatan sa pagsabog ng bomba sa Kuwait airport

0
166

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nagtamo ng mga sugat sa leeg matapos ang isang pagsabog sa isang airport sa Kuwait, sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, ang OFW ay nagtatrabaho sa Kuwaiti airport at nalabas na ng ospital matapos maitalang ligtas ngunit may mga minor injuries.

“Meron isang OFW nagtatrabaho sa Kuwaiti airport, very minor injuries. Neck wounds ang natamo. At nakalabas na rin sa hospital,” ani Cacdac sa isang panayam ng GMA Integrated News’ Unang Balita.

Noong nakaraang araw, kinumpirma rin ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang pagkamatay ng isang Filipino caregiver sa Israel na nasawi sa isang airstrike.

Sa kasalukuyan, tinatayang mga 100 Pilipino sa Dubai at Israel ang nagpahayag ng hangaring bumalik sa Pilipinas, ayon kay Cacdac. Bagama’t wala pang opisyal na mandatory repatriation, patuloy na tinutugunan ng DMW ang mga indibidwal na kahilingan para sa pagbabalik-bansa habang pinag-aaralan ang sitwasyon sa ground level.

Ayon sa kalihim, hindi pa panahon para sa malawakang repatriation dahil sa ilang pansamantalang pagsasara ng airspace at pagkaantala ng mga flight. Bukod dito, patuloy rin ang tulong ng DMW sa mga Pilipino na naapektuhan ng canceled flights sa Pilipinas at sa ibang mga transit hub tulad ng Hong Kong.

Para sa mga Pilipinong nasa Pilipinas na nakatakdang bumalik sa trabaho sa Middle East, tiniyak ni Cacdac na kaligtasan ang pangunahing prayoridad ng gobyerno. Pinayuhan niya ang mga apektadong manggagawa na manatili muna sa kanilang pamilya habang patuloy na sinusuri ng mga awtoridad ang sitwasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.