OIC PNP Danao: Tiyakin na ang lahat ng paghahanda sa seguridad ng halalan ay nasa lugar

0
342

“Tiyakin na ang lahat ng paghahanda sa seguridad ay nasa lugar upang ang bansa ay magkaroon ng mapayapa, maayos at tapat na halalan,” ito ang unang utos ni Lt. Gen. Vicente Danao bilang Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC).

Kaugnay nito, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ang designation ni Danao bilang PNP OIC ay hindi makakaapekto sa patuloy na paghahanda sa seguridad na ipinatutupad ng PNP sapagkat makakapagbigay siya ng magandang pamumuno at direksyon sa buong kapulisan upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa peacekeeping sa mahalagang panahon ng kasaysayan ng ating bansa.

Samantala, tiniyak ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko ang mapayapa at maayos na halalan habang ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nag-“jive” sa kanilang paghahanda sa seguridad para sa darating na botohan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.