Oil price hike, sisimulan bukas!

0
174

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa mga presyo ng petrolyo ang mga oil company sa bansa mula bukas ng umaga, Pebrero 21.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.90 sa kada litro ng gasolina at P1.05 sa kada litro ng diesel habang kakapiranggot na bawas presyo naman na P0.25 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas.

May dagdag-bawas din sa presyo ng mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang Cleanfuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ay sanhi ng patuloy na paglalaro ng presyo nito sa world market.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo