Oktubre 27: Araw ng panalangin para sa kapayapaan, itinakda ng simbahang Katoliko

0
403

Itinakda ng Simbahang Katoliko ng Pilipinas ang Oktubre 27 bilang araw ng panalangin, pag-aayuno at penitensiya para sa kapayapaan sa gitna ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas sa Middle East.

“We encourage our communities to organize prayer initiatives for this intention like the Mass for Peace, Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour, the praying of the holy rosary, or any other celebrations of the Word of God,” ayon sa circular ng Archdiocese of Manila.

Hinihikayat din ang mga diyosesis na italaga ang araw upang ipanalangin ang mga taong naapektuhan ng hidwaan, matapos ang pahayag ni Pope Francis sa kanyang pangkalahatang audience noong Oktubre 18.

“Lay down weapons and heed the cries for peace from the poor, the people, and the innocent children,” ayon sa naunang mensahe ni Pope Francis sa mga Katoliko.

“I urged believers to take just one side in this conflict: that of peace. But not with words — with prayer, with total dedication, dagdag pa ng Santo Papa.

Noong Oktubre 17, mahigit 1,400 nasawi sa Israel at mahigit 3,000 ang namatay sa Gaza.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na apat na overseas Filipino workers ang nasawi sa nagaganap na digmaan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.