OLC, naghatid ng tulong at saya sa Home for Women and Children sa Calauan, Laguna

0
580

Calauan, Laguna. Nagsagawa ng Outreach Program kamakalawa sa ‘Home for Women and Children’ sa Brgy Lamot II, sa bayang ito, ang PRO4A Officers Ladies Club (OLC) sa pangunguna ni Ginang Josephine Yarra, OLC Adviser.

40 benepisyaryo ang nabigyan ng bigas, grocery items, at personal hygiene kits at Jollibee food packs mula sa PRO4A OLC at Regional Headquarters sa pamamagitan ng Regional Director, PBGEN Antonio C Yarra.

Samantala, ang Laguna Provincial Police “Project Kalinga” ay nagbigay din ng wheelchair at bitamina sa tulong ni Provincial Director, PCOL Cecilio R Ison Jr.

Sa mensaheng hatid ni Ginang Yarra, sinabi nito na ang PRO4A Ladies Club sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police ay isang organisasyon na may layuning maabot ang mga komunidad at magbigay ng mga serbisyong panlipunan na kapaki-pakinabang sa kapakanan ng mga mamamayan.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.