Ombudsman: Badoy at Parlade guilty sa red-tagging

0
181

Naglabas ng hatol ang Ombudsman ukol sa usapin ng red-tagging laban kina dating opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sina Lorraine Badoy at Antonio Parlade Jr. Matapos ang mahigpit na pagsusuri, itinuturing na guilty sina Badoy at Parlade sa kasong administratibo kaugnay ng Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Ayon sa pahayag ng Ombudsman, natuklasan nilang may mga sapat na ebidensya upang ituring na guilty sina Badoy at Parlade sa kanilang paglabag sa nasabing alituntunin. Subalit, may mga puna mula sa ilang sektor ng lipunan na tila’y mababaw lamang ang parusang ipinataw kay Badoy.

Ayon sa Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service, karaniwan nang parusa ang suspensyon ang anim na buwang suspensyon hanggang isang taon sa unang offense ng mga mapapatunayang guilty sa conduct prejudicial to the best interest of the service. Sa kabila nito, iginiit ng Ombudsman na magpapatupad sila ng mas mahigpit na parusa sakaling magkaroon ng paglabag sa hinaharap mula kina Badoy at Parlade.

Ang nasabing kaso ay bunsod ng reklamo ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) na pinangunahan nina Edre Olalia at Ephraim Cortez laban kay Badoy. Ang reklamo ay kaugnay sa pagbansag ni Badoy sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front of the Philippines bilang mga communist terrorists. Ang naturang pahayag ay nagdulot ng malawakang kritisismo mula sa mga sektor ng lipunan at maging sa mga human rights advocates.

Samantala, sa kasong administratibo, inabswelto ng Ombudsman si dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. Ipinagpatuloy ni Esperon ang kanyang paglilingkod sa pamahalaan nang walang anumang parusa ukol sa nasabing kaso.

Sa pagkakabitiw ng hatol na ito ng Ombudsman, patuloy ang pagtutok ng publiko sa mga isyu ng red-tagging at ang mga epekto nito sa kalayaan ng pamamahayag at karapatang pantao sa bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.