MAYNILA. Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pansamantalang ititigil ang operasyon ng mga coin deposit machines (CoDMs) sa piling mga mall sa Metro Manila simula Hunyo 17, 2025, bilang bahagi ng isang masusing pagsusuri sa kanilang coin recirculation program.
Sa isang opisyal na abiso, sinabi ng BSP:
“The BSP is implementing the temporary suspension to conduct a thorough review of how to re-circulate idle coins and serve Filipinos’ coin exchange needs even better. Following the review, the BSP will relaunch the Coin Deposit Machines as part of its commitment to enhancing its coin recirculation program.”
Binigyang-diin din ng central bank na may pagkakataon pa ang publiko na makapag-deposito ng kanilang mga barya sa mga naturang makina hanggang Hunyo 16, bago ito pansamantalang alisin sa serbisyo.
Mula nang ilunsad ang CoDMs noong 2023, umabot na sa halos ₱1.5 bilyon ang halaga ng baryang naiproseso ng mga makinang ito. Layon ng programang ito na mapadali ang palitan ng mga nakatinggang barya at mapalawak ang sirkulasyon ng salaping barya sa bansa.
Dagdag pa ng BSP, maaaring ipapalit ang mga sirang barya sa kahit anong bangko:
“Unfit coins may be presented for exchange at any bank as part of their duties to promptly remove unfit currency from circulation.”
Hindi pa tiyak kung kailan muling ibabalik ang operasyon ng CoDMs, ngunit tiniyak ng BSP na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap upang gawing mas episyente at kapaki-pakinabang ang paggamit ng salaping barya sa bansa.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo