Gumaca, Quezon. Nilooban at ninakawan ang satellite office ni Quezon Governor Helen Tan sa Brgy. Tabing Dagat sa bayang ito, kamakalawa, ayon sa mga ulat ng pulisya.
Nadiskubre ng isang tauhan ni Tan ang pangyayari, bandang alas-7:00 ng umaga, at natuklasan nilang sinira ng mga suspek ang padlock ng pinto ng opisina.
Sinira rin ng mga magnanakaw ang metal na kabinet at kinuha ang hindi tinukoy na halaga ng pera kasama ang laptop at isang CCTV monitor.
Batay sa imbestigasyon, natuklasan na pinutol ng mga hindi pa kilalang suspek ang kable ng CCTV monitor upang itago ang kanilang pagnanakaw.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang matukoy ang mga suspek sa krimen na ito.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.