Opong humina bilang Severe Tropical Storm, tumatawid sa Masbate

0
531

MAYNILA — Humina na si Severe Tropical Storm Opong matapos itong mag-landfall sa Masbate, ayon sa 5 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ni Opong ay namataan kaninang alas kuwatro ng madaling araw sa paligid ng Palanas, Masbate. Kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran (west northwestward) sa bilis na 30 kilometro kada oras, taglay ang maximum sustained winds na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot hanggang 150 kilometro kada oras. Ang central pressure nito ay nasa 985 hPa.

Mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal

Signal No. 3

  • Sorsogon
  • Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
  • Albay
  • Kanlurang at katimugang bahagi ng Camarines Sur
  • Katimugang bahagi ng Quezon
  • Marinduque
  • Romblon
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands
  • Batangas
  • Katimugang bahagi ng Laguna
  • Northern Samar
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Eastern Samar
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Samar
  • Biliran
  • Hilagang bahagi ng Leyte

Signal No. 2

  • Catanduanes
  • Natitirang bahagi ng Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Natitirang bahagi ng Quezon
  • Natitirang bahagi ng Laguna
  • Rizal
  • Cavite
  • Metro Manila
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Katimugang bahagi ng Zambales
  • Calamian Islands
  • Natitirang bahagi ng Eastern Samar at Samar
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte
  • Hilagang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands
  • Extreme northern Negros Occidental
  • Hilagang bahagi ng Iloilo
  • Capiz
  • Aklan
  • Hilagang-kanlurang bahagi ng Antique kabilang ang Caluya Islands

Signal No. 1

  • Gitna at timog ng Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Ifugao
  • Southwestern Mountain Province
  • Benguet
  • Timog ng Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Natitirang bahagi ng Zambales
  • Cuyo Islands
  • Hilagang bahagi ng mainland Palawan
  • Southern Leyte
  • Natitirang bahagi ng Leyte
  • Silangan at gitna ng Bohol
  • Gitnang bahagi ng Cebu
  • Hilagang Negros Oriental
  • Hilaga at gitna ng Negros Occidental
  • Gitnang bahagi ng Iloilo
  • Gitnang bahagi ng Antique
  • Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands

Pinapalakas din ni Opong ang Southwest Monsoon (Habagat), na magdadala ng malalakas hanggang gale-force na ihip ng hangin sa mga rehiyon tulad ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Palawan, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao ngayong Biyernes. Inaasahang mararamdaman pa rin ang epekto nito sa Luzon at Kanlurang Visayas sa Sabado.

Nakataas din ang Gale Warning sa mga baybaying dagat ng Southern Luzon, Visayas, at kanlurang bahagi ng Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, tatawid si Opong sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago lumabas sa West Philippine Sea sa pagitan ng Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.

“As Opong crosses the archipelago, it will likely remain as a severe tropical storm. Re-intensification is highly likely once OPONG emerges over the West Philippine Sea,” ayon sa PAGASA.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo