Oras na para umuwi: payo ng DFA sa natitirang mga Pinoy sa Sudan

0
186

Hinihimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang lahat ng mga Pilipino sa Khartoum, ang kabisera ng Sudan, na umuwi matapos ang hidwaan sa pagitan ng militar at paramilitary forces doon na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 3,000 katao.

Nanawagan ang DFA matapos ang mga ulat tungkol sa pandarambong sa mga tahanan ng mga dayuhan sa northeast African country.

Binanggit ng opisyal ng DFA na mayroon pang humigit-kumulang na 110 mga Pilipino ang nananatili sa Sudan sa kabila ng mga naunang pagsisikap ng gobyerno sa pamamagitan ng Saudi government na maiuwi sila.

“May iba na ayaw umuwi dahil may utang pa sa kanila ang kanilang mga employer. Gusto nilang mabayaran muna,” dagdag ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

Sa kasalukuyan, dalawang linggo ng inaayos ng Pilipinas ang pag-uwi ng 17 Pilipino na nasa Port of Sudan.

“Naghihintay kami na maging magagamit ulit ang mga komersyal na eroplano. Noon, libre ang paglipad ng mga Saudi (airlines), pero hindi na ngayon,” aniya.

Patuloy ang mapanganib na labanan sa Sudan noong pang kalagitna ng Abril sa pagitan ng army chief na si Abdel Fattah al-Burhan at ng kanyang dating deputy na si Mohamed Hamdan Daglo na pinuno ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF).

Hindi sinusunod ang ceasefire kaya nanawagan si De Vega sa mga Pilipino doon na “obligado” nang umalis sa bansa.

“Sa ekonomiya, nag-collapse na ang bansa,” sabi niya at binigyang-diin na “laging may tsansa” na mas lalala pa ang sitwasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.