Outstanding Anti-Drug Abuse Council 2021 ang Laguna

0
218

Sta. Cruz, Laguna. Pinarangalan ang lalawigan ng Laguna bilang Outstanding Anti-Drug Abuse Council 2021 kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG)Region 4A-CALABARZON.  

Ang gawad na tinanggap ni Laguna Governor Ramil Hernandea ay bilang pagkilala sa Laguna bilang isa sa Functional-Sub National Peace and Order Council (POC) sa taong 2019 at 2021 Performance Audit.  

Ang parangal ay naglalayong kilalanin ang namumukod-tanging pagpapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng mga programa may kinalaman sa pakikipaglaban sa illegal drugs sa pagtataguyod ng Provincial Peace and Order Office.

“Malaking tulong ito sa pagsisikap ng gobyerno na mapuksa ang iligal na droga sa ating bansa,” ayon kay Hernandez. (Photo credits: Jun Sapungan/Laguna PIO)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.