Overstaying na British man, dinampot ng BI sa Palawan

0
332

Coron, Palawan. Inaresto ng immigration authorities  ang isang overstaying na British national sa Coron, Palawan kahapon.

Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, nahuli ng intelligence division at fugitive search unit ng Bureau of Immigration (BI) si Paul Stuart Leggott, 61, sa isang bar sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Dongapan, sa bayan ng Coron.

Bukod sa kasong overstaying, napag-alaman umano na siya ay may kumikitang hanapbuhay nang walang karampatang work permit.

Ipinapakita ng mga rekord na siya ay nasa bansa mula noong 2014, nang hindi nakakuha ng angkop na visa para sa kanyang negosyo.

Naiulat na nagmamay-ari siya ng isang sikat na resort sa Coron, ng walang maayos na dokumentasyon.

Nakatakdang ilipad sa Maynila ang foreign national para sa booking at inquest, bago ilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig City.

Pinuri ni Tansingco ang grupong humuli at binalaan ang mga dayuhan na huwag abusuhin ang mabuting pakikitungo ng bansa.

“Ang mga dayuhan ay maaari lamang magtrabaho o magkaroon ng negosyo sa bansa kung sila ay may angkop na mga visa at iba pang mga permit,” ayon kay Tansingco sa isang pahayag.

Dinampot ng mga taugan ng Bureau of Immigration si Paul Stuart Leggott, 61, sa isang bar sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Dongapan, sa bayan ng Coron kahapon.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.