OWWA: 38 OFWs sa Ukraine papunta na sa border malapit sa Poland

0
144

Humigit-kumulang 38 overseas Filipino worker (OFWs) ang kasalukuyang patungo sa labas ng Ukraine habang patuloy ang tensyon sa eastern European nation, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong Biyernes.

“Now there are around 38 OFWs en route to the western border of Ukraine bordering Poland because this is the part where there is no military build-up of Russian forces. So from there, they will be taken to a town before crossing the border to Poland,” ayon kay OWWA chief Hans Leo Cacdac sa isang panayam sa radio.

Sinabi ni Cacdac na inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pumayag ang gobyerno ng Poland na papasukin ang mga OFW bagaman at wala silang EU visa.

Aniya, naglabas na rin ng direktiba si Labor Secretary Silvestre Bello III na makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA), at mga embahada sa Warsaw, Poland at iba pa.

Dagdag pa ni Cacdac, nangangailangan din ng tulong ang ibang Pilipino sa Kyiv.

“There are about 40 people who still need help but we have been assured that there will be transport from Kyiv to bring our OFWs to safer grounds on the west of border on the Poland side,” ayon sa kanya.

Sinabi rin Cacdac na sa kanyang pagkakaalam ay nagtatrabaho pa rin ang honorary consul sa Kyiv.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.