OWWA: Parurusahan ang HK employers na nagsibak ng mga OFWs na nagka-Covid

0
519

Mahaharap sa parusa ang mga employer na hindi tatanggap ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Hong Kong na nagkasakit ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) at gumaling na, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahapon.

“The possible sanction will be a labor case if they terminate our OFWs. The next one will be on the Philippine Overseas Employment Administration (POEA). (Labor) Secretary Silvestre Bello III declared that employers who have treated our workers like that, will be blacklisted,” ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa Laging Handa briefing.

Idinagdag ni Cacdac na ang mga employer na ito ay mahaharap din sa mga parusa ng host territory.

“On the Hong Kong side, the labor authorities, that’s illegal termination and then, here on the POEA the blacklisting of employers who carry out illegal termination,” dagdag niya.

Sinabi ni Cacdac kahapon na ang walo sa 76 na OFW na nahawahan ng Covid-19 ay naka-confine sa mga ospital.

“Eight are in the hospital, admitted to the hospital and all the rest are in isolation facilities. It’s either they are in employer’s home isolation — mostly in employer’s home isolation — or in government, Hong Kong government isolation or in non-government organization (NGO) isolation,” ayon kay Cacdac.

Samantala, idinagdag ni Cacdac na pinag-aaralan nila ang posibilidad na magpadala ng medical team sa Hong Kong upang tulungan ang mga infected na OFW.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.