P.5 milyong halaga ng alahas at pera, ninakaw sa bahay ng lady trader sa Cavite

0
162

SILANG, Cavite. Pinasok ng mga magnanakaw kamakalawa sang bahay ng isang lady trader sa Brgy. Lumil, Silang Cavite at tinangay ang halos kalahating milyong pisong halaga ng mga alahas at pera.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 3:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng biktima sa Barcelona Drive, South Forbes Villas Subdivision.

Batay sa imbestigasyon, ang mga salarin ay dumaan sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa study room kung saan nakatago ang mga alahas at pera ng biktima. Tinatayang umaabot sa P500,000.00 ang halaga ng mga ninakaw na ari-arian.

Natagpuan naman ng pulisya ang mga jewelry boxes sa likuran ng bahay ng biktima. Sa kabila nito, nananatiling malabong maresolba ang krimen dahil sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa mga suspek.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng masusing pagbabantay at pagiging maingat sa seguridad ng bawat tahanan, lalo na sa panahon ng patuloy na banta ng krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.