P1.1 M reward sa magtuturo sa pumatay sa graduating De La Salle student sa Cavite

0
468

Calamba City, Laguna. Nag aalok ng P 1.1 milyon si Cavite Governor Jonvic Remulla at Senator Bong Revilla sa sinumang makapagtuturo sa pumatay sa graduating student ng De la Salle University sa Dasmarinas, Cavite noong Marso 22, 2023.

Ang pabuya ay igagawad upang mapabilis ang pag aresto sa salarin at mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ni Queen Leanne Daguinsin na tubong Pila, Laguna, na pinatay sa saksak ng hinihinilang magnanakaw sa loob ng kanyang silid sa isang inuupahang dormitoryo sa Cavite.

Sa imbestigasyon, wala sa kwarto ang laptop, cellphone, mga alahas at pera ng biktima.

Sa patuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng Cavite PNP, nilinaw nila na hindi naisakatuparan ng suspect ang balak nitong halayin ang biktima dahil maaaring nanlaban ito kaya pinagsasaksak ng suspek.

Batay sa owtopsiya ng SOCO Region 4A, 14 na saksak sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Si Leanne ay nag iisang anak babae sa tatlong magkakapatid at consistent scholar mula elementary hanggang high school.

Magtatapos sana siya sa kursong Computer Science sa nabanggit na unibersidad sa darating na Hunyo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.