P1.2 bilyong rice allowance ng government workers, inilabas na ng DBM

0
343

Binayaran na ng Department of Budget and Manage­ment (DBM) ang National Food Authority (NFA) ng kabuuang P1,182,905,000 para sa one-time rice assistance para sa lahat ng kwalipikadong empleyado at manggagawa ng gobyerno.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) kamakalawa, Abril 12.

“As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., we shall ensure the welfare of our government workers by giving them assistance for their household needs and, at the same time, boosting the production of our rice far­mers,” ayon kay Pangandaman.

Makikinabang sa rice assistance ang 1,892,648 go­vernment workers, kabilang ang Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel.

Ang Administrative Order No. 2, na nilagdaan ni Marcos, ay nagpapahintulot sa pagbibigay ng isang beses na tulong ng  pare-parehong dami ng 25 kilo ng bigas sa lahat ng karapatdapat na empleyado ng gobyerno.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.