P1.2B bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho matapos madaanan ng dump truck

0
27

ISABELA. Hindi pa man nagtatagal mula nang buksan sa publiko, bumagsak na ang Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 27. Ayon sa Department of Public Works and Highways-Cagayan Valley (DPWH Region 2), ang tulay ay kabubukas pa lamang ngayong Pebrero at nagkakahalaga ng P1.225 bilyon.

Ayon sa DPWH, sinimulan ang konstruksyon ng tulay noong Nobyembre 2014 at opisyal na natapos noong Pebrero 1, 2025. May haba itong 990 metro at binubuo ng 12 Arch Bridge na may tig-60 metrong haba, 9 spans ng Pre-Stressed Concrete Girder (PSCG) Type IVB, at kabuuang approaches na 664.10 metro. Ang contractor ng proyekto ay ang R.D. Interior, Jr. Construction.

Matatandaang bumigay ang tulay matapos dumaan ang isang dump truck na may tinatayang bigat na 102 tonelada—higit sa kapasidad na maaaring suportahan nito. Bukod sa dump truck, nadamay rin sa pagguho ang apat pang sasakyan.

Ayon sa DPWH, patuloy pa rin ang masusing pagsusuri sa insidente. “Further analysis on the cause of failure is still on-going and DPWH Region 2 has requested experts from the Bureau of Design and Bureau of Construction in the Central Office to conduct further evaluation and assessment,” ayon sa opisyal na pahayag ng ahensya.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at inaasahang magbibigay ng karagdagang ulat hinggil sa sanhi ng trahedya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.