P1.2M na halaga ng ilegal na paputok, nakumpiska sa Calabarzon

0
173

Nakumpiska ang humigit-kumulang P1.2 milyong halaga ng bawal na paputok sa198 na police operations na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon, .

Sa press briefing, nagpasalamat si PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, sa mga Provincial Police Office sa mga lalawigan sa Calabarzon sa kanilang masigasig na pagkilos laban sa ilegal na paputok, partikular ang illegal trade, manufacture, at possession ng bawal na firecrackers at pyrotechnic devices.

Ang pinakamalaking kumpiskang halaga ng ipinagbabawal na paputok ay umabot sa P1 milyon sa Barangay Tambulong, Tanauan City, Batangas noong Nobyembre, 2023.

Sa ginawang operasyon, nanguna ang mga awtoridad sa pagtukoy, pag-aresto, at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na kalakaran ng paputok. Siniguro ni PBGen. Lucas na ang kanilang hanay ay magpapatuloy sa pagsugpo ng ganitong uri ng krimen upang mapanatili ang kaligtasan at katahimikan ng mamamayan sa rehiyon.

Ang kumpiskang halaga ng ilegal na paputok ay nagpapakita ng patuloy na pagpupursige ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas, lalo na tuwing papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon. Hinihikayat din ng mga awtoridad ang kooperasyon ng publiko sa pag-uulat ng anumang impormasyon ukol sa ilegal na kalakaran ng paputok upang mapanagot ang mga sangkot at maiwasan ang mga aksidente na dulot ng paggamit nito.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.