P1.8-B shabu nasamsam sa 2 Chinese nationals sa magkahiwalay na operasyon

0
267

Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ang PHP1.768 bilyong halaga ng shabu mula sa dalawang Chinese national sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Cavite noong Linggo.

Sinabi ni Derrick Carreon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isang pahayag na si Cai Jia Zhu (alyas Anson Chua), 41 at residente ng Cuevasville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite, ay naaresto dakong 10:30 a.m. sa Ma. Clara St., malapit sa Banawe St., sa Quezon City.

Nakumpiska ng mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police Drug Enforcement Group ang 40 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng PHP272 milyon, isang sedan, at iba’t ibang identification card na may pangalang Cai Jia Zhu.

Sa Cavite, nasabat ng mga awtoridad ang 220 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP1.496 bilyon bandang alas-11:30 ng umaga mula kay Hai Lin, 41, sa Dasmariñas City, kung saan siya nakatira. (PNA)

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.