P1,000 monthly allowance para sa mga mahihirap na senior citizens, inanunsyo ni Pangulong Marcos

0
138

MAYNILA. Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakatanggap ang mga mahihirap na senior citizens sa bansa ng P1,000 na allowance mula sa gobyerno upang “suplementuhan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at gastusin sa medikal.”

Sa “The President’s Budget Message” para sa fiscal year 2025 na naka-post sa website ng Department of Budget and Management (DBM), binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan na tulungan ang mga senior citizens o mga lolo’t lola.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang allowance ay hindi lamang inaprubahan upang kilalanin ang “moral imperative” sa pangangalaga sa mga matatanda ng bansa, kundi bilang isang pagsasalamin ng mga halaga ng bansa at pangako sa isang inklusibong lipunan.

Sa ilalim ng panukalang 2025 national budget, ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay makakatanggap ng kabuuang budget na P49.8 bilyon para sa 4,085,066 indigent senior citizens. Ang halagang ito ay magiging katumbas ng P1,000 na monthly allowance para sa bawat senior citizen.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, ilalaan ang kabuuang P3 bilyon para sa P100,000 cash gift sa mga Pilipino na umabot na sa edad na 100 sa ilalim ng ‘expanded Centenarian Act,’ o Republic Act No. 11982. “There would also be an additional P10,000 cash gift for all Filipinos aged 80, 85, 90, and 95,” ayon sa Pangulo.

Nagbigay na rin ng iba’t ibang public service announcements ang mga local government units (LGUs) sa kanilang mga Facebook pages. Ang mga senior citizens ay iniimbitahan na mag-rehistro sa pamamagitan ng website ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). May mga barangay at munisipalidad ding nag-iskedyul ng ‘registration day onsite’ upang tulungan ang mga senior citizens na mag-rehistro sa website.

Sa panahon ng rehistrasyon, tatanungin ang ‘personal information, economic profile, health condition, at skill set identification.’

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo