P10K cash gift sa mga seniors na 80, 85, 90, 95 anyos, isinabatas

0
153

Pinagtibay ng Bicameral Conference Committee ang pa aamyenda sa Centenarians Act na naglalaman ng karagdagang P10,000 cash gift para sa mga senior citizens na nasa edad na 80, 85, 90, at 95 anyos.

Ang bersyon ng Senado at Kamara ay pina­g-isa upang maisakatuparan ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga nakatatanda. Ang nasabing cash gift ay ibibigay sa mga senior citizens kapag sila ay magdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90, at 95 kaarawan.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Senior Citizens Party­list Rep. Rodolfo Ordanes sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos, na naging pangunahing lider sa Senado sa pagsusulong ng nasabing amyenda. Sinabi niya na nagtrabaho ng buo ang panel ng Kamara katuwang ang Senado sa pagbuo ng kasunduan sa nasabing Bicameral Conference Committee.

Sa ilalim ng kasunduang ito, ang mga Pilipino seniors ay makakatanggap ng P10,000 cash gift sa loob ng isang taon kapag sila ay umabot na sa gulang na 80, 85, 90, at 95. Bukod dito, kapag umabot naman sila sa ika-100 taon, makakatanggap sila ng P100,000 cash gift bilang pagkilala sa kanilang mahaba at makabuluhang buhay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.