P10M multa sa shipowners na guilty sa oil spill, inihain sa Kongreso

0
195

Isang panukalang batas ang inihan sa Kongreso na magpapataw ng P10 milyong multa bilang parusa sa mga may-ari ng barko na mapapatunayan na guilty sa discharge o emission ng langis, basura at iba pang nakakapinsalang substance at pollutants sa karagatan ng Pilipinas.

Ipinag-uutos din sa ilalim ng panukala na hulihin at ikulong ang mga sakay ng barko na lalabag dito.

Ayon sa mambabatas, hindi niya na hahayaang mangyari muli ang oil spill dahil sa masamang epekto nito sa kabuhayan at marine ecosystem ng bansa.

Nauna dito ay nagbabala ang mga eksperto na ang oil spill ay maaaring umabot sa isla ng Cuyo sa Palawan at iba pang lugar.

Japan Coast Guard tutulong na sa cleanup operations sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro

Ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na papunta na sa Pilipinas ang ilang eksperto mula sa kanilang bansa upang tumulong sa cleanup operations sa mga lugar na apektado ng Mindoro Oriental oil spill.

Sinabi ng envoy na ang team ay bubuuin ng mga eksperto sa pagkontrol ng langis mula sa Japan Coast Guard.

Lumubog sa karagatang sakop ng Naujan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28  ang MT Princess Empress  na naging sanhi ng pagbuhos ng 800,000 litro ng industrial oil  sa dagat.

tinatantiya ng University of the Philippines Marine Science Institute na nasa 20,000 ektarya ng coral reef, 9,900 ektarya ng bakawan at 6,000 ektarya ng seagrass ang maaaring maapektuhan ng nabanggit na oil spill.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.