P12K kailangan buwan-buwan ng pamilyang Pilipino para mabuhay ayon sa SWS

0
325

MAYNILA. Aabot sa P12,000 kada buwan ang kailangang kita ng isang pamilyang Pilipino para mabuhay at hindi masabing mahirap, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey noong Hunyo 25 hanggang Hunyo 29, lumitaw na tumaas ang tinatawag na Self-Rated Poverty Threshold o ang inaakalang minimum na buwanang gastusin ng isang pamilya upang hindi ituring na mahirap. Mula P10,000 noong nakaraang quarter, ito ay umakyat na sa P12,000 ngayong taon.

Mas mataas naman ang kinakailangang kita para sa mga pamilyang naninirahan sa Metro Manila, na tinatayang kailangang magkaroon ng higit sa P20,000 buwanang budget upang mabuhay nang maayos.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang patuloy na pagmahal ng mga bilihin gaya ng pagkain, pamasahe, at bayarin sa kuryente at tubig. Sa kabila nito, napipilitan pa rin ang mga Pilipino na magbawas sa kanilang pamumuhay upang magkasya ang kita sa tumataas na gastusin.

Base rin sa survey, 49% o tinatayang 13.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap. Mas mababa ito sa 50% na naitala noong Abril. Pinakamaraming nagsabing sila ay mahirap ay mula sa Mindanao (69%), sinundan ng Visayas (60%), Balance Luzon (38%), at Metro Manila (36%).

Samantala, tumaas naman ang porsyento ng mga nagsabing hindi sila mahirap sa lahat ng rehiyon maliban sa Visayas. Sa Metro Manila, bumaba ito sa 57% mula 60%; sa Mindanao, bumaba rin sa 21% mula 29%; at sa Balance Luzon ay nasa 52%.

Naitala rin na 6.4% ng mga respondent ang nagsabing hindi sila dumanas ng kahirapan sa nakalipas na limang taon habang 34.8% ang nagsabing kahit kailan ay hindi nila ito naranasan.

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adult respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao, na may ±3% national margin of error.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo