P134,000 na halaga ng shabu, nasabat sa Lucena City

0
434

Lucena City, Quezon. Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit-Quezon PPO, Lucena City Police Station at PDEA4A ang isang suspek na drug trader at nakumpiska sa kanya ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php134,000. 

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Ronaldo Cervantes Rodriguez alyas Nonoy, 42 taong gulang na residente ng Deomedez St. Lot-1 Blk -5 St. Jude Phase 2A, Barangay Mayao Crossing, Lucena City.

Isinagawa ang anti-illegal drug operation bandang alas-6:15 ng umaga kahapon sa Purok Narra Imaculada, Brgy. Isabang, Lucena City sa tulong ng isang confidential na informant.

Nakatakdang sampahang ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 ang suspek sa Office of the City Prosecutor sa Lucena City, Quezon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.