P136K na halaga ng shabu, naharang ng Cavite PNP

0
330

Dasmariñas City, Cavite. Arestado ang labindalawang drug suspects sa ilalim ng drug buy-bust operations na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at ng Dasmariñas City Police Station kamakalawa sa Mango Ville Brgy.Salitran 4, lungos na ito.

Kinilala ang 12 drug suspects na sina Dominic Donar, Roel Sardido, Marce Sipat, Jonathan Calyusin, John Cardel Loyola, Sherwin Concepcion, Edward Dionisio, John Paul De Guzman, Fredie Arevalo, Kevin Valenzuela, Donato Orcullo at  Dante Bobiar.

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 20 gramo at may Dangerous Drug Board standard value na Php 136,000.00.

Ang mga suspek at mga ebidensya ay dinala sa Cavite Police Provincial Forensic Unit upang isailalim sa laboratory examinations.

“Ipagpapatuloy natin ang ating pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga para sa ating mga nasasakupan. Susugpuin ng pulisya ang mga maling gawaing ito bago nila sirain ang mas maraming buhay at maapektuhan ang iba pang mga inosenteng indibidwal,” ayon sa tagubilin ni Regional Director ng Police Regional Office 4A na si Police Brigadier General Antonio C. Yarra sa kanyang mga tauhan.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.