P14-M sibuyas na nasabat, positibo sa E. coli at salmonella

0
290

MAYNILA. Positibo sa E. coli at salmonella ang sibuyas na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P14 milyon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na resulta ng pagsusuri ng DOH, hindi na ligtas kainin ang nasabing produkto dahil sa kontaminasyon ng mikrobyo na maaaring magdulot ng matinding pagtatae, dehydration, at sa ilang kaso, kamatayan.

Ayon sa DOH, patunay ito ng panganib sa kalusugan ng publiko na dulot ng mga smuggled na pagkain na hindi dumaan sa wastong inspeksyon at pagsusuri.

Ang mga sibuyas ay kabilang sa mga kargamentong nasabat ng BOC na inilagay sa anim na 40-foot container, kasama ang tinatayang P20 milyong halaga ng frozen mackerel na galing umano sa China.

Kasama ang Department of Agriculture, isinagawa ng DOH at BOC ang inspeksyon sa mga naturang produkto. Wala pa namang inilalabas na resulta ang DOH hinggil sa kalagayan ng mga nasabat na frozen mackerel.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo