P15K ayuda sa small rice retailers, ibibigay ng DSWD

0
182

Bibigyan ng cash aid na one-time na nagkakahalagang P15,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) maliliit na rice retailers na maaring maapektuhan ng ipinatupad na price cap ng Malakanyang.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang nasabing tulong pinansyal ay bahagi ng pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensiya upang matulungan ang mga maliliit na rice retailers na makabangon mula sa inaasahang pagkalugi na dulot ng temporary price cap sa bigas.

Sa ilalim ng price ceiling na ipinatupad, ang regular milled rice ay hindi maaaring lumampas sa P41 bawat kilo habang ang well-milled rice ay limitado sa P45 bawat kilo.

Binigyang-diin ni Gatchalian na may budget na P5.5 billion ang SLP, na maaring gamitin upang suportahan ang mga negosyanteng apektado ng price cap sa bigas.

Sa kasalukuyan, ang DSWD ay naghihintay na lamang ng listahan ng mga kwalipikadong maliliit na rice retailers mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) upang maipamahagi ng pamamahagi ng ayuda.

Ipinahayag ni Secretary Gatchalian na ang DSWD ay handang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga sektor na naapektuhan ng mga patakaran na may layuning mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas kasabay ng pangangalaga sa kalagayan ng mga negosyante sa industriya ng bigas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo