P183-M shabu natagpuan sa abandonadong sasakyan sa Parañaque

0
401

Nadiskubre ng mga pulis ang 27 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na PHP183.6 milyon sa isang abandonadong sasakyan sa Parañaque City, ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD) kanina.

Binanggit ang ulat ng Parañaque City Police, Sinabi ni SPD director Brig. Gen. Kirby John Kraft na napansin ng barangay tanod ng Barangay Tambo na si Mark Joseph Espinosa ang isang abandonadong sasakyan sa kahabaan ng Quirino Avenue corner M. Delos Santos Street dakong 5:30 p.m. kagabi.

Iniulat ni Kraft na humingi ng tulong sa pulisya si Espinosa mula sa Parañaque City Police Tambo Substation bandang alas-2 ng madaling araw ng Huwebes upang inspeksyunin ang inabandunang sasakyan na isang pulang Toyota Innova na may plate number na CDI 9724.

Sa inisyal na inspeksyon, napansin ng mga pulis na lahat ng pinto ay sarado ngunit naka-unlock, lahat ng panlabas na feature ng sasakyan ay buo, lahat ng bintana at windshield ay medium-tinted ngunit naaaninag pa rin loob at walang nakitang senyales ng kontrabando sa loob ng sasakyan.

Nakita rin ng mga pulis ang isang brown na backpack sa passenger seat, isang kahon at isang sako na hindi pa alam kung ano ang laman.

Matapos iproseso ang eksena, nakuha ng mga pulis ang 27 vacuum-sealed tea bag na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, isang puting sako, isang puting plastic, isang Lazada box at ilang mga dokumento sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Nakita rin sa kotse ang photocopy ng birth certificate, dalawang photocopy ng driver’s license na pagmamay-ari ng isang Ma. Teresa Fernandez, isang vaccination card na pagmamay-ari ng isang Patani Barauntong, at 37 piraso ng PhP 50 bill.

Sinabi ni Kraft na ang kontrabando ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit.

Tinutunton na ngayon ng mga pulis ang kinaroroonan ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakitang bumababa sa sasakyan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.