P2.2-B shabu naharang sa Manila container port

0
143

Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, kasama ang iba pang mga law enforcement units, ang isang shipment mula sa Mexico na naglalaman ng 323 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Manila International Container Port terminal sa Maynila kamakalawa.

Nadiskubre ang kontrabando na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa loob ng isang cargo container na mula sa Mexico.

Ayon sa ulat ipinasok ito mula sa Mexico at dumating sa pantalan ng Maynila noong Enero 2023.

Natukoy ang shipment matapos na iwanan ang container van sa loob ng nakaraang 7 buwan dahil sa mga kwestyunableng mga dokumento.

Sa bisa ng Pre-Lodgment Control Order binuksan ng mga awtoridad ang shipment at nadiskubre nila ang shabu na kasama ng laminated beef jerky.

“Dalawa yung kanyang bill of lading… May dalawang nag-ship mula sa Mexico para dito sa kargang ito,” ayon kay Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.