General Luna, Quezon. Nasabat ng mga pulis ang P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang babaeng suspek sa buy-bust kaninang madaling araw, sa Sitio Malalim, Brgy. San Jose sa bayang ito.
Ayon sa ulat ng General Luna Municipal Police Station, inaresto sina Melody Revilloza, 41 anyos at Marie Baldoviso, 45 anyos, pawang mga residente ng nabanggit na barangay matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang sling bag na naglalaman ng 19 pang plastic sachet na may kabuuang timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng PhP 2.040 milyon.
Sinabi ng pulisya na si Revilloza ay isang high-value target indibidwal habang si Baldoviso ay isang bagong kinilalang drug individual sa bayan.
Dinala ang mga suspek sa General Luna police para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.