P20/kilo bigas ibebenta na rin sa minimum wage earners

0
51

MAYNILA. Makakabili na rin ng bigas sa halagang P20 kada kilo ang mga minimum wage earners, ayon sa kasunduang “in principle” ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., “This initiative stems from the President’s promise to extend the P20/kilo rice program to those who need it most. For now, participation is limited to workers from companies that have expressed interest in the pilot program.”

Inaasahang masisimulan ng mga eligible workers mula sa mga kumpanyang lalahok sa programa ang pagbili ng murang bigas sa buwan ng Hunyo.

Ang P20/kilo rice program ay bahagi ng pilot run kung saan pinapayagan ang National Food Authority (NFA) na bumili ng mas maraming ani mula sa mga lokal na magsasaka upang masuportahan ang suplay.

Dati, ang murang bigas ay limitado lamang sa mga Kadiwa Stores para sa indigents, senior citizens, solo parents at PWDs. Sa kasalukuyan, pinalalawak na ang benepisyaryo ng programa upang mas marami pang Pilipino ang makinabang.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.