P200 wage hike, di kakayanin ng ilang kumpanya

0
63

MAYNILA. Hindi kakayanin ng ilang kumpanya ang pagbibigay ng P200 dagdag-sahod sa mga manggagawa, ayon sa ilang analyst.

Ayon kay John Paolo Rivera, Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies, maaaring magresulta ito sa pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

“Businesses could pass the higher labor costs to consumers through increased prices,” paliwanag ni Rivera, habang ang epekto sa inflation ay depende sa umento sa sahod at kita ng kumpanya.

Dagdag pa niya, posibleng mapilitan ang ibang kumpanya na magbawas ng mga manggagawa o paikliin ang oras ng trabaho.

Sinabi rin ni Rivera na ang mga pangunahing maaapektuhan ay ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). Batay sa datos ng United Nations Development Program, 99 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay MSMEs, na nagbibigay trabaho sa 67 porsyento ng mga manggagawa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.