P252-M shabu nasabat sa Cavite

0
242

Imus, Cavite. Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ng Philippine National Police (PNP) ang halos PhP252 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek kasunod ng isang buy-bust kahapon sa Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 anyos at Almira Karao Sampulna, 30 anyos, pawang taga Cotabato City.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni PNP Drug Enforcement Group chief Brig. Gen. Narciso Domingo na naaresto ang mga suspek alas-7:20 ng gabi sa Block 1, Lot 66, Happy Homes, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Ang dalawa ay sinampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 matapos makuha sa kanila ang humigit-kumulang 37 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP251.6 milyon, mga drug paraphernalia, mga cellphone, iba’t ibang identification card, at mga remittance receipts, ayon kay Domingo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.