P27 milyong halaga ng Marijuana plants, sinira ng PNP

0
248

Pinatay at sinira ang humigit kumulang na P27 milyong halaga ng mga namumungang puno ng Marijuana sa apat na magkakahiwalay serye ng operasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Ang isang serye ng winasak ay humigit-kumulang P27 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na produkto ng Cannabis sa apat na magkahiwalay na lugar ng plantasyon sa nabanggit na bayan.

Ang isang araw na operasyon ay isinagawa noong Hunyo 16, ng mga elemento ng Special Operations Unit ng CAR, PNP Drug Enforcement Group, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga na may RIU14, PROCOR, RMFB PROCOR 1503rd Kumpanya, 2nd Coy Kalinga PMFC at 141SAC 14SAB PNP SAF.

Sa unang site ay natuklasan ng mga awtoridad ang isang P2-milyong halaga ng Marijuana; ang pangalawa ay P10 milyon; habang ang ikatlong lugar ay P10 milyondin  at ang ikaapat na plantasyon ay may tanim na P5 milyong halaga ng halamang Marijuana.

Sa kabuuan, 135,000 puno ng fruiting Marijauana pinatay at winasak sa site.

“Our police personnel have been actively operating against the vast plantation of Marijuana in the province. No cultivator was apprehended during the successive operation but this will serve as a warning to those who are participating in this illegal business,” ayon kay PNP OIC PLTGEN Vicente D. Danao Jr.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.