P4.5 milyong halaga ng Marijuana, nasamsam sa buy-bust ops sa Cavite

0
147

BACOOR CITY, Cavite. Nakumpiska ang halagang P4.5 milyon na halaga ng Marijuana mula sa dalawang hinihinalang tulak sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Kyle Dueñas at Rodolfo Bautista, pawang taga-Molino I sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Colonel Christopher Olazo, hepe ng Cavite Provincial Police Office, nangyari ang pag-aresto sa mga suspek bandang 3:15 AM sa nabanggit na lugar matapos bumili ang operatiba ng marijuana sa halagang P10,000.

Natagpuan at nakuha rin mula sa mga suspek ang kabuuang 38 kilo ng marijuana, na tinatayang n agkakahalaga ng P4,560,000.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay itinuturing na “high-value” target ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa ilegal na droga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.