P400M shabu nasabat ng Customs

0
326

Mahigit P400 milyon na halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) matapos magsagawa ng inspeksyon sa loob ng isang Pair Cargo warehouse sa Pasay City kahapon, Marso 20, 2023.

Ayon sa ulat ng BOC, galing sa Republic of Guinea ang kargamento at nakadeklara na naglalaman ng mga spare parts. Dahil sa kahina-hinalang imahe na nakita ng NAIA Customs X-Ray Operatives, isinagawa ang physical examination ng Customs Examiner kung saan nakita na naglalaman ito ng 58.93 kilo ng shabu, na may kabuuang street value na P400,724,000.00 na kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kaugnay nito, nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang PDEA sa consignee na nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings hinggil sa paglabag sa RA 9165 at RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.