P5.3-M cocaine, natagpuang sa karagatan ng Tawi-Tawi

0
246

Hawak na ng mga awtoridad ang isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng PHP5.3 milyon na narekober sa baybayin ng South Ubian, Tawi-Tawi, ayon sa pulisya kanina.

Sinabi ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, na ang cocaine ay itinurn-over ng dalawang mangingisda kay Murpred Asdain, barangay chairman ng Bubuan sa South Ubian.

Sa ulat ng pulisya, si Sabri Iskan at ang kanyang kapatid na si Alih, ay nangingisda nang matagpuan nila ang isang bagay na nakabalot sa plastik na lumulutang sa tubig na nasasakupan ng Brgy. Bubuan noong Huwebes.

Sinabi ni Verceles na dinala ng mga pulis ng South Ubian Municipal Police Station at Marine troops ang narekober na item sa Tawi-Tawi capital Bongao noong Biyernes ng hapon at itinurn-over ito sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Sinabi ng mga awtoridad na maaaring sadyang ibinaba ang ilegal na pakete para sa mga target na tatanggap ngunit naunahan sila ng mga nabanggit na mangingisda.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ganitong halaga rin ng cocaine ang nasamsam at isang suspek ang naaresto sa isang raid sa Brgy. Sipangkot sa Sitangkai. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.